Thursday, August 19, 2010

Lucifer


Natatakot  akong  Makita si Lucifer sa hinaharap, natatakot ako sa kanya, ayokong mapaso natatakot ako. AYOKO!!!!.  Ayaw kong maubos ang katawang tao ko sa  apoy. Kung mamamatay man ako ngayon gusto kong mamamatay na sa kanya ako mapupunta sa naglikha sa akin, ang Panginoon.
Kahit na nasabing anghel si Lucifer, hindi ko gugustuhing maging siya an gang tagapagbantay ko . Ngunit lahat ng bagay sa mundo binigyan at binibigyan niya ng isa pang pagkakataon,pero bakit anong nangyare kay Lucifer? Lucifer? Sino nga ba sya? Masama ba tlga ang nilalang na ito?Mga tanong na walang linaw na gusto ko sanang bigyan ng diin ditto sa blog na aming gagawin tungkol sa mga Angel na aming napili…

Ang kwento ni Lucifer at ang kanyang pinagmulan,batay sa aking naiintindihan ukol dito..Ang pangalan ni Lucifer ay nagmula sa latin na salita na ang ibig sabihin ay (lucem ferre) na ang ibig sabihin ay tagapagdala ng liwanag, oh!diba akala natin masama siya pero hindi naman pala dati, tuloy na ang kwento  ayun na nga dahil para siyang bituin noon sa langit.Ang isa pang pangalan ni Lucifer ay Satanas kung  saan sya namumuno ang namumuno sa mundo ng kasamaan, hindi man natin nakikita ngunit totoo………Nakakatakot..Nakakapanindig balahibo..Naiimagine ko palang sya hindi ko na magawa,,,kaya pala nkakagawa ng masasamang bagay ang mga tao sa mundong ibabaw ng dahil sa kanya,,Bakit kaya ganon hindi na lang tayo mabuhay ng walang kasamaan o kaya naman wala na lang si Lucifer sa mundo ang sarap siguro mabuhay.Mapayapa,masya puro pagmamahalan lang ang magpapaikot sa mundo walang kasamaan.
SI Lucifer ayon sa kwentong “The sandman” isinulat ni Neil Gaiman si Satanas daw ang naatasan magbantay ng impyerno dahil pinababa siya ng panginoon mula sa kalangitan dahil sa ngawa niyang kasalanan.Nagbabantay na siya doon ng billion years na,para mabantayan ang mga taong namamatay at doon sila mgalalaban ng tao na iyon kung sa impyerno ba sya mapupunta o sa kalangitan.At sa sobarang haba na ng panahon ng pagbabantay nya ditto nabagot din sya sa mga pinaggagagawa niya at sa mga batas na ipinapatupad nya, nanawa na siyang mag-abang ng mga mortal na mapupunta sa impyernoat ang mga na mapupunta sa kanya na hindi naman talaga dapat mangyare, at ang pagawain ng masama ang mga tao at pilitin ito sa gawang masama

Kayo sa tingin niyo gusto niyong mapasailalim ni Lucifer, gusto niyo ba siyang tulungang magpalaganap ng kasamaan? AKO ?,ayaw ko sana pero hindi rin naman ako perpektong  tao  marami na rin akong nagawang kasalanan na ayoko na sanang dagdagan pa. Sana kahit papano, mabawasan ang mga taong gumagawa ng masama para pag nawala man tayo akoay may nagawa tayong mabuti ditto sa mundong ibabaw at para na rin mapunta tayo sa dapat nating mapuntahan.

Si Lucifer ay anghel nga dati ngunit pinarusahan siya dati naaalala ko dati nakakita ako ng picture niay noong bata pa ako ang tingin ko sa kanya Barbie ko sya hahahahah, ang tanga-tanga ko pa noon demonyo minanamanika ko hindi ko maisip.. A nghel siya na nagsayang ng pagkakataon kaya wag na nating tularan si Lucifer, hindi magiging magandang ehemplo kung gagawa pa tayo ng mga masasamang bagay,.

Hanggang dito na lang yung blog ko about kay Lucifer,kinikilabutan na ako eh! 
Ayo slang na gumawa ng masama pero yung light lang dapat hahah kase hindi naman tayo perperto siya lang ang perpeto sa mundo ang naglalang sa ating lahat! See you until next blog ng kabaklaan group

  

“St. Michael the Archangel, with the Power of God…”

Ang mga arkanghel ay mga “spiritual beings ” na nilikha ng Diyos bago pa man Niya nilikha ang tao. Sila ay walang katawan o purong ispiritu lamang at immortal. Ang pangalan nila ay nakahango sa misyong ibinigay sa kanila ng Diyos.


Isa na rito si Arkanghel Miguel na ang pangalan ay nangangahulugang “Who-is-like-God” . Siya ay naatasang labanan ang demonyo at mga “evil spirits”. Naatasan din siya upang talunin at palayasin si Lucifer(Satanas) sa kalangitan. ( “Pagkaraan nitoy sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel at ang dragon, kasama naman ang kanyang kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon at pinalayas sila sa langit.” Pahayag12:7-8)
Tinutulungan tayo ni Arkanghel Miguel sa ating pangaraw-araw na pakikipaglaban natin kay Satanas. Kay Satanas na patuloy tayong hinihila pababa sa pamamagitan ng tukso na nagtu-tulak sa atin upang gumawa ng kasalaan.
Sa ating modernong panahon ngayon. Kung saan laganap ang mass media , ito’y ginagamit na instrumento ni Satanas upang maghasik ng kasamaan. Halimbawa nito ang television at internet kung saan makakapanood ng pinakamabuti hangang sa pinakamasama, na sumisira sa murang isip ng mga kabataan. Ang cellphone na nagsisilbing distraksyon sa pag-aaral. Isama pa ang mga babasahin katulad ng diyaryo at magazine na naglalaman ng mga malalaswang kwento at larawan. Pati na rin ang musika na may kabastusan ang lyrics . Ang mass-media ay bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay. Kaya naman ito’y may malaking inpluwensya sa ating pamumuhay na sinasamantala ni Satanas upang ang taoy makagawa ng kasalanan.
Totoo ngat’ mahina ang tao pagdating kay Satanas. Totoo nga’t magaling ang kalaban pero mas magaling ang Diyos na nagpadala kay Arkanghel Miguel na nkahandang tumulong sa atin sa oras ng kahinaan . Ang kaylangan lang ay magtiwala at maniwala.

Prayer to St. Michael the Archangel
Saint Michael the Archangel, defend us in battle. Be our protection against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray; and do Thou, O Prince of the Heavenly Host -by the Divine Power of God -cast into hell, Satan and all the evil spirits, who roam throughout the world seeking the ruin of souls.
Amen.

Arkanghel Gabriel



          Ang pangalang Gabriel ay nangangahulugang ‘’man of God’’ o ‘’God has shown himself mighty’’. Ito ay unang lumitaw sa propesiya ni Daniel sa Old testament. Ipinaalam ng anghel kay Daniel ang propesiya ng 70 weeks. Si Gabriel ay tinaguriang anghel na tagapag-hukom, Isa siya sa pitong arkanghel, kilala rin siya bilang mohammedans na naniniwala na nag mga anghel ay nagsisilbi sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagdidikta ng Koran sa kanyang mga propeta.
            Nag-anyong tao siya at nagpakita kay propeta Daniel at ipinaliwanag kung ano ang kahulugan ng kanyang propesiya tungkol sa lalaking tupa na may dalawang sungay. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakita ulit siya kay Daniel at ipinaalam ang pagdating ng mesiya at ang pagkawasak ng herusalem.
            Sa Lucas 1:11-20, kay Zacarias naman nagpakita si Gabriel habang ito ay nagsusunog ng insenso sa harap ng altar sa templo at sinabi na ang kanyang asawa ay magbubuntis ng isang sanggol na lalaki at papangalanan itong Juan. At ang huling pagkakasambit kay Gabriel ay nakaulat din sa mga huling bahagi ng aklat ng Lucas, na kung saan nagpakita naman ito sa Birheng si Maria at sinabing siya ang magiging Ina ng messias.
           
                          
Sa buhay ng tao malaki rin ang ginagampanan ni Gabriel dahil siya lahat ang humuhusga ng mga ginagawa natin, kung saan tayo nararapat at kung ano ang nararapat na kaparusahan para sa lahat ng mga nagawa nating kamalian sa buhay., kung baga sa lahat ng tao siya din ang taga-masid , siya ang parang nagiging mata ng ating Panginoon sa kung ano ang tama o mali na nangyayari sa atin.
            Si Gabriel ang nagsisilbing daluyan ng mga komento para sa ating buhay, siya rin ang ginawang tagapag-hatid ng mga mensahe ng Diyos para maipakita ang tunay na kapangyarihan at kalakasan ng ating Pangainoon. Ilan rin sa mga pari ng simbahan ay sinasabing si Gabriel ay nasa Panginoon sa kabila ng paghihirap nito.

Anghel ng Kamatayan a

                     Maraming nagsasabi na ang Anghel ng Kamatayan ay isang supernatural o demonyo ang iba ay tawag ay si santanas. Kinatatakutan ng lahat ng nabubuhay dito sa mundong ito. Ajg kamatayan ay actual na nanyayari sa isang tao at hindi ito matatakasan.



                    Ang Anghel ng Kamatayan ay ginawa ng diyos sa unang araw ng kanyang paglilikha sa mundo. mayroon 12 pakpak at sa walong lipad ay nararating niya ang mundo. Ang kanyang misyon ay kuhanin ang mga kaluluwa nsa mga taong nakatadhana ng mamatay at tagahatid ng mensahe ng kamatayan.


                                             Archanghel Michael mabuting Anghel ng Kamatayan


Samael- Pinaguusapang Anghel ng kamatayan dahil tinitimbang niya ang mga makakasalang kaluluwa.

Santa Muerte- Anghel ng Kamatayanna sinasamba sa Mexico ng mga taong kuto.

                Maraming nagtatanong kung kailan tayo mamamatay? Paano nalalaman ng  Anghel ng Kamatayan na mamamatay na ang isang tao? Mat tinatawag na puno ng buhay at bawat dahon ay may pangalan ng isang tao. kapag ito at bulok na ay malapit ng malaglag sa puno ang dahon oras na niya ito para mamatay. Ito ay nagsisismula 40 araw bago kuhanin ang iyong kaluluwa.

                 Ang Anghel ng Kamatayanay walang pinipili, ikaw man ay masama o mabuti pero wala siyangn kapangyarihan na pumatay hanggat hindi sinasabi ng ating Panginoon na mayroon ding pagkakataon na iutos ng diyos na patayin ang lahat ng makasalanang tao sa mundo.

                 Sa oras ng ating kamatayan nakatayo ang anghel ng kamatayan sa ating ulunan at hawak-hawak  ang isang matulis na bagay na kanyang gagamitin upang tayo ay patayin. Ang isang mamamatay na tao ay nakikita ang Anghel ng Kamatayanat kinakapos ang kanyang hininga na nakabukas ang bibig hudyat na yon ng kanayang kamatayan.


                  Ang ibay sinasabing kinukuha ng Anghel ng Kamatayanang ating kaluluwa sa pag gamit ng elemanto ng apoy.
                  Kahit ako ay kapag pinagusapann ang kamatayan ay natatakot ako ayaw kong harapin at isipin na sa darating na panahon ay mamamatay ako na kukunin ang aking kaluluwa ng Anghel ng Kamataya.
Ayaw kong dumating ang oras na iyon hindi ko alam kung anong dahilan pero alam ko iyon din ang ating destinasyomn at wala ng makakapigil dito.na isang araw makikita ko ang Anghel ng Kamatayan.

                  Walang nakakaalam kung kailan at saan kukunin ang ating buhay. ang ating buhay ay hiram lamang natin sa ating Panginoon at siya laman ang pwedeng bumawi nito sa pamamagitan ng Anghel ng Kamatayan. Paghandaan na lang natin ito at huwag nating katakutan.

"Anghel sa aking Panaginip "

 Isang karanasan ang nais kong ibahagi kung bakit ang mga Anghel ang napili kong paksa sa aming blog. Isang karanasan na hindi ko kaylanman malilimutan.



                                    Tulong ! Tulong ! Ito ang katagang binitawan ko noong minsan ako'y nanaginip ng masama. Sumisigaw ako ng walang tinig. Gusto kong gumalaw ngunit kahit ang aking hinlalaki ay hindi ko maigalaw. Hanggang sa napagod na ako... Bumigay na ako dahil sa pakiramdam ko ay wala na akong laban.

                                    Ngunit may naramdaman akong humawak sa aking ulo na parang pag ako'y nagsha-shampoo may naramdaman din akong naglalakad sa aking kama gayong ako lang mag-isang natututog doon.
Doon na muli ako nakagalaw at ng imulat ko ang aking mga mata may nakita akong nakaputi na humakbang sa akin pero hindi ako natakot.

                                    Nablangko pansamantala ang aking isipan . Tapos biglang natuon ang aking isip sa aking napanaginipan. Doon nabalot na ako ng takot dahil madilim ang kwarto at tanging ilaw lang sa kusina ang nagsisilbing liwanag sa buong bahay.

                                     Nanatili akong nakahiga ng isa hanggang dalawang minuto na balot ng aking kumot nilakasan ko ang loob ko upang tumayo. Tumakbo ako sa higaan ng aking ama at ina. Nahinto lang ako ng nasa pintuan na ako dahil kailangan dahan-dahan ang pagbukas  sa pinto dahil ito ay lilikha ng ingay pag biniglang buksan na ikagigising nila. Ang ginagamit kung unan sa pagtulog ay lima, ngunit- sa takot ko dalawa lang ang nabitbit ko kasama na ang aking kumot.

                                     Sa aking pagkakahiga katabi ang nanay ko, naisip kong muli ang aking nakita sa aking higaan. Ang nakaputing imahe, hanggang tenga ang buhok... Inisip kong marahil siya na nga ang aking "Guardian Angel" iniligtas niya ako sa tiyak na kapahamakan. Ngunit wala siyang pakpak. Napangiti na lang ako dahil sa lakas ng aking paniniwala na totoo ang aking nakita.

                                    At lalo pa itong tumatag ng may nabasa ako tungkol sa mga "Guardian Angel". sinasabi dito na, "Bawat tao ay mayroong anghel na iingat at poprotekta sa kanya. Misyon nila ang pagsilbihan ang Panginoon at bantayan ang tao ".

                                    Kung gayon , baka siya na nga ... Siya na nga ang aking "Guardian Angel". Makikita ko pa kaya siyang muli? O iyon na ang una at huling pagkakataon na masisilayan ko ang mukha ng isang Anghel?