Thursday, August 19, 2010

"Anghel sa aking Panaginip "

 Isang karanasan ang nais kong ibahagi kung bakit ang mga Anghel ang napili kong paksa sa aming blog. Isang karanasan na hindi ko kaylanman malilimutan.



                                    Tulong ! Tulong ! Ito ang katagang binitawan ko noong minsan ako'y nanaginip ng masama. Sumisigaw ako ng walang tinig. Gusto kong gumalaw ngunit kahit ang aking hinlalaki ay hindi ko maigalaw. Hanggang sa napagod na ako... Bumigay na ako dahil sa pakiramdam ko ay wala na akong laban.

                                    Ngunit may naramdaman akong humawak sa aking ulo na parang pag ako'y nagsha-shampoo may naramdaman din akong naglalakad sa aking kama gayong ako lang mag-isang natututog doon.
Doon na muli ako nakagalaw at ng imulat ko ang aking mga mata may nakita akong nakaputi na humakbang sa akin pero hindi ako natakot.

                                    Nablangko pansamantala ang aking isipan . Tapos biglang natuon ang aking isip sa aking napanaginipan. Doon nabalot na ako ng takot dahil madilim ang kwarto at tanging ilaw lang sa kusina ang nagsisilbing liwanag sa buong bahay.

                                     Nanatili akong nakahiga ng isa hanggang dalawang minuto na balot ng aking kumot nilakasan ko ang loob ko upang tumayo. Tumakbo ako sa higaan ng aking ama at ina. Nahinto lang ako ng nasa pintuan na ako dahil kailangan dahan-dahan ang pagbukas  sa pinto dahil ito ay lilikha ng ingay pag biniglang buksan na ikagigising nila. Ang ginagamit kung unan sa pagtulog ay lima, ngunit- sa takot ko dalawa lang ang nabitbit ko kasama na ang aking kumot.

                                     Sa aking pagkakahiga katabi ang nanay ko, naisip kong muli ang aking nakita sa aking higaan. Ang nakaputing imahe, hanggang tenga ang buhok... Inisip kong marahil siya na nga ang aking "Guardian Angel" iniligtas niya ako sa tiyak na kapahamakan. Ngunit wala siyang pakpak. Napangiti na lang ako dahil sa lakas ng aking paniniwala na totoo ang aking nakita.

                                    At lalo pa itong tumatag ng may nabasa ako tungkol sa mga "Guardian Angel". sinasabi dito na, "Bawat tao ay mayroong anghel na iingat at poprotekta sa kanya. Misyon nila ang pagsilbihan ang Panginoon at bantayan ang tao ".

                                    Kung gayon , baka siya na nga ... Siya na nga ang aking "Guardian Angel". Makikita ko pa kaya siyang muli? O iyon na ang una at huling pagkakataon na masisilayan ko ang mukha ng isang Anghel? 

No comments:

Post a Comment