Thursday, August 19, 2010

“St. Michael the Archangel, with the Power of God…”

Ang mga arkanghel ay mga “spiritual beings ” na nilikha ng Diyos bago pa man Niya nilikha ang tao. Sila ay walang katawan o purong ispiritu lamang at immortal. Ang pangalan nila ay nakahango sa misyong ibinigay sa kanila ng Diyos.


Isa na rito si Arkanghel Miguel na ang pangalan ay nangangahulugang “Who-is-like-God” . Siya ay naatasang labanan ang demonyo at mga “evil spirits”. Naatasan din siya upang talunin at palayasin si Lucifer(Satanas) sa kalangitan. ( “Pagkaraan nitoy sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel at ang dragon, kasama naman ang kanyang kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon at pinalayas sila sa langit.” Pahayag12:7-8)
Tinutulungan tayo ni Arkanghel Miguel sa ating pangaraw-araw na pakikipaglaban natin kay Satanas. Kay Satanas na patuloy tayong hinihila pababa sa pamamagitan ng tukso na nagtu-tulak sa atin upang gumawa ng kasalaan.
Sa ating modernong panahon ngayon. Kung saan laganap ang mass media , ito’y ginagamit na instrumento ni Satanas upang maghasik ng kasamaan. Halimbawa nito ang television at internet kung saan makakapanood ng pinakamabuti hangang sa pinakamasama, na sumisira sa murang isip ng mga kabataan. Ang cellphone na nagsisilbing distraksyon sa pag-aaral. Isama pa ang mga babasahin katulad ng diyaryo at magazine na naglalaman ng mga malalaswang kwento at larawan. Pati na rin ang musika na may kabastusan ang lyrics . Ang mass-media ay bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay. Kaya naman ito’y may malaking inpluwensya sa ating pamumuhay na sinasamantala ni Satanas upang ang taoy makagawa ng kasalanan.
Totoo ngat’ mahina ang tao pagdating kay Satanas. Totoo nga’t magaling ang kalaban pero mas magaling ang Diyos na nagpadala kay Arkanghel Miguel na nkahandang tumulong sa atin sa oras ng kahinaan . Ang kaylangan lang ay magtiwala at maniwala.

Prayer to St. Michael the Archangel
Saint Michael the Archangel, defend us in battle. Be our protection against the wickedness and snares of the devil. May God rebuke him, we humbly pray; and do Thou, O Prince of the Heavenly Host -by the Divine Power of God -cast into hell, Satan and all the evil spirits, who roam throughout the world seeking the ruin of souls.
Amen.

No comments:

Post a Comment